Tuesday, July 26, 2016

iilan

Sa loob ng Metro, ako’y napaisip habang binabagtas ang kahabaan ng Sheik Zayed:

Iilan lang ang pinanganak na may negosyo ang pamilya; iilan lang ang may mansyon at kotse ng sila’y namulat. Iilan lang ang nakapag-aral sa mga prominenteng unibersidad at nakapaglibot sa mundo gamit ang pera ng magulang; iilan lang ang mga tao na bihis ng magagarang damit at pinagsisilbihan ng mga katulong. Iilan lang ang pinanganak na mayaman.

Naputol ang lumulutang kong diwa nang isang pasahero ay nang-ahas na magtanong:

“Kuya, ba’t ka nandito”

Ako’y napangiti na lang at sinabi sa sarili “hindi ako napabilang sa iilan”



© OFWs' Notebook
Maira Gall