Sa loob ng Metro, ako’y napaisip habang binabagtas
ang kahabaan ng Sheik Zayed:
Iilan lang ang pinanganak na may negosyo ang
pamilya; iilan lang ang may mansyon at kotse ng sila’y namulat. Iilan lang ang
nakapag-aral sa mga prominenteng unibersidad at nakapaglibot sa mundo gamit ang
pera ng magulang; iilan lang ang mga tao na bihis ng magagarang damit at
pinagsisilbihan ng mga katulong. Iilan lang ang pinanganak na mayaman.
Naputol ang lumulutang kong diwa nang isang pasahero ay nang-ahas na magtanong:
“Kuya, ba’t ka nandito”
Ako’y napangiti na lang at sinabi sa sarili “hindi
ako napabilang sa iilan”
No comments
Post a Comment